The Great Wall of España (a story) Chapter 1

Posted: August 14, 2010 in Uncategorized
Tags: , , , ,

Prologue

Nais ko po munang magpasalamat sa lahat ng sumubaybay at nainlove sa unang story na sinulat ko na Dancelife, Lovelife. Abot langit na pasasalamat sa libo libong  views na natanggap ng istoryang iyon.

Ito po ay isa na namang fiction story na sinulat ko. Patungkol sa isa ko pang kinahihiligan, ang Volleyball.  Lahat ng mga pangyayari sa kwento ay pawang kathang isip ko lang at walang kinalaman sa mga pangalang mababanggit sa istorya. Ang mga pangalang mapapa sali sa istorya ay siyang mga inspirasyon ko sa paglalaro ng volleyball. Maraming salamat sa inyo. at ang mini seryeng ito ay ang siyang tribute ko para sa inyong mga iniidolo ng marami.

Ang serye ay mag uumpisa sa katapusan ng kabilang serye na Dancelife, Lovelife. Ang inyong mga comments and suggestions ay malugod kong tatanggapin.

Ang pilot chapter..

I. Try-outs

“Kailan nga ba natin malalaman kung dapat na tayong sumuko?”

“Sumuko sa pag asang may pag ibig para sa atin?”

“Sumuko sa pag asang may katuparan pa ang ating mga pangarap?”

“O bumigay sa katotohananang may mga bagay na sadyang hindi itinadhanang mangyari?”

“Minsan ko nang nabasa sa panulat ni Antoine de Saint-Exupery “Kapag sinabi mo sa mga malalaking tao na nakakita ka ng magandang malaking pulang bahay, hindi nila iyon maiimagine.. Bagkos, kailangan mong sabihin na naka kita ka ng bahay na nagkaka halaga ng milyun milyon. At saka nila masasabing.. Napaka gandang bahay noon..”

“Madalas ay concerned tayo sa mga bagay na may maganda o hindi magandang kahihinatnan, at hindi sa ganda ng katotohanan.”

“Kagaya ng pagmamahal ni Den, na hindi niya masabi sabi dahil takot siya sa kahihinatnan, na baka mareject siya. Hindi niya naapreciate ang ganda ng katotohanan na nakaka ramdam siya ng pagmamahal sa mga oras na iyon.”

“Ang pagpapakita ni Anne kay Den, mas natutok si Den sa pangit na kahihinatnan, na maaaring pera lang niya ang habol ni Anne.”

“Sa dami ng aming pinag daanan, masasabi kong ang buhay, katulad ng pagsasayaw, walang katapusang pag aaral. Araw araw ay may bago tayong natututunan.”

“Para sa akin, ang pag sasayaw ay parang pag hinga. Ito ang nag bibigay ng patunay na ako ay nabubuhay.. Ang hindi ko pagsasayaw ay ka kahalintulad ng hindi ko pag hinga, ang buhay ay wala na.”

“Ang sayaw ay aking buhay. Mga kaibigan, ipinag mamalaki kong ihandog..”

“Ang Dancelife Studio.”

Yun ang mga huling salita sa speech ni uncle Chris. Kaibigan ni daddy.

Dino’s Perspective

“hoy daddy, you’re day dreaming na naman. Mag uumpisa na yung movie oh..”

Yan ako Dino Corpuz, 11 years old yata ako ng mga panahon na iyan.

“Ay sorry anak.. Napa tulala na naman ako naimagine ko kasi lahat ng mga pinag daanan namin ni uncle Kobe mo eh. Diba bes ang sarap balikan ng mga nakalipas na taon?”

“Mag uumpisa na manuod na lang tayo Bes”

Yan ang daddy ko si Dennis. Ang sabi ni Lola. Epic daw ang love story ni daddy. Sa katunayan, naging pelikula ng star cinema ang istorya nito. Na pinapanuod namin sa eksseanang iyan.

“Kambal, pa tingin nga ako ng buhok ko kung ayos na?”

Yan naman ang kambal kong si Donnie. Identical twins kami. At si Mommy naman ay namatay sa breast cancer noong 5 years old pa lang kami. Mas matanda ako kay Donnie, pero sa sobrang magkamukha kami, madalas ay hindi kami makilala ni lola. Pero si Daddy at si uncle, hinding hindi namin ma biro dahil kabisadong kabisado nila kami.

“Kambal, alam mo mag ttry out tayo sa volleyball sa UST hindi ito fashion show. Anong problema mo sa buhok mo?”

“Eh bakit ba kambal kailangan presentable tayo kapag nag punta tayo sa walk in try outs.”

“Ok fine.. Ikaw na ang gwapo.”

Kambal man kami, mayroon pa rin kaming pag kakaiba, lahat naman siguro ng tao ay unique. Ika nga walang dalawang tao sa mundo ang may magkaparehong thumb mark.

Ito ang araw na magtatakda ng aming kapalaran sa buhay kolehiyo. Kung sayaw ang naging buhay nina daddy at uncle Kobe. Volleyball naman ang buhay naming magkapatid.

Hindi humadlang sina daddy at uncle maging si lola sa aming pangarap sa larangan ng sports.

Sa pagsasayaw, technically inclined pa rin kaming magkapatid. Pareho kaming flexible. Gamit na gamit kami sa mga gatherings ng pami pamilya ng grupo nina daddy. Kapag may birthday kina uncle Chris (Isa pang kaibigan ni Daddy) ay kami ni Donnie ang nag peperform.

Ang kaibahan lang namin kina daddy at uncle, wala sa dancefloor ang puso namin, bagkos ay nasa apat na sulok ng volleyball court.

Sa bawat service na pinapakawalan ko, ramdam ko kung gaano kalakas at kasigla ang aking katawan. Sa bawat hataw ko sa bola na halos bumaon sa first line ng kabilang court, matinding satisfaction at gigil ang dumadaloy sa aking katawan.

Donnie’s perspective

Naglagay na kami ni kambal ng Mueller tape sa aming mga daliri. Iyon ay ang puting tape na yari sa tela na ibinabalot sa aming daliri para kapag ng finger toss or receive or pumalo ng malakas ay hindi mayanig masyado an gaming mga daliri.

Nakapag warm up na din kami sa gym ng school na ito. Seryoso kaming magkapatid sa try out na ito. Dahil walk-in try out kami, at kilala ang UST na pinaka malakas na team sa volleyball, both men and women..

Handang handa na kami. Sana matanggap kami ni kambal.

Dumating na si coach Emil, ang pinaka mabagsik na coach sa buong UAAP. Hindi naman sila magiging undisputed champion kung hindi siya magaling diba.

Dala ang clipboard, naka pantalon na maong, naka rubbershoes na Mizuno, naka dilaw na polo shirt at may naka sabit na pito sa leeg ay humarap sa amin si coach Emil.

“Julius, Christian, Melvin, Paul, Dino, and Donnie, kayo ang team B. lalabanan ninyo ang first stringer ng team, at titignan ko ang magiging performance ninyo, tatlong sets ito, humanda na kayong magka bukol bukol at magka pasa pasa.”

Nag lead si Julius na siyang sophomore na sa School na ito.

“Ok guys I’m Julius, gawin ko muna ang magiging strategy natin. Dino, anong pwesto ang gusto mo?”

“Ah, open spiker boss.”

“Donnie?”

“Center hitter, sa tres po.”

“Paul?”

“Tres likod  ako, more on depensa muna”

“Good, Melvin, mag utility ka, sakaling sa akin mapunta ang first ball ikaw ang mag seset ha.  At Christian sa kwatro ka dahil matangkad ka, magagamit natin sa blockings yan.”

“Ako ang magiging setter ng team ha.”

Pahayag ni Julius.

Ang team A na kakalabanin namin? Ang pinaka mahuhusay na manlalaro ng unibersidad.

Henry, Jhaypee, Karl, John, Jayson, Harby.

5”10 lang ang height namin ng kambal ko, at mistulang mga tore ang mga makakalaban namin.

Lord sana po huwag naman mabasag ang mukha ko dito, nagpa pogi pa man din ako..

Itutuloy..

Advertisement
Comments
  1. mhico1205 says:

    BITIN, tryout palang

  2. Denver Crucillo says:

    masyado mahaba eh. kailangan ng bitin factor para ma hook ang mga magbabasa. inaantay ko na ang diyosang si Bb. Pe Benito hehe

  3. ael says:

    nice start kuya then…bout dino and donnie naman…hm…may bago ako aabangan

  4. ael says:

    anung sked ng update mo kuya den…hehehe…excited na ako sa kasunod

  5. Denver Crucillo says:

    bukas po hehe..

  6. tinpebenito says:

    hahaha lagi nalang ako painvolve. hehehe asan na pang part5?? nabasa ko na lahat e =)

  7. hhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy

  8. resha says:

    ganda ng kwento :)

  9. [...] The Great Wall of España (a story) Chapter 1 August 2010 12 comments and 1 Like on WordPress.com, 3 [...]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s