Chapter 8: The Lady Spikers
Dino
Sa wakas natapos din ang tune up game. Siyempre nanalo sina Steph. Ito na ang pinaka aabangan kong highlight ng araw ko. Ipapakilala na ako ni Jul kay Steph. Ang swerte ko talaga bestfriend ko ang isa sa pinaka chick magnets ng team. Nawa ay maambunan kami ng grasya.
“Halika na lapit tayo papakilala ko kayo sa kanila.”
“Jul, kinakabahan ako eh, parang nahihiya ako. Ayos lang ba yung suot ko? Mukha ba kong pawisan at haggard? May eyebags ba ko? Amuyin mo nga baka mabaho na ako eh. May dumi ba ko sa mukha?”
“Ay peste ka Dino andami mong tanong halatang halatang ninenerbiyos ka. Easy ka lang bes kaya mo yan, mag paka totoo ka lang.”
“Hay ok sige na nga.”
Lumapit kaming apat sa tabi ng court habang nag kakamayan sila ng nakalaban nilang team. Walang gaanong tao sa gym, may ilan lang na nanunuod. Kaya nilakasan ko na din ang loob ko.
“Hi Abby” Bumeso naman si Abby kay Julius.
“Hi Julius, mwah.. Ang bango mo ah. Acqua di Gio right?”
“Yup, favorite ko.”
“I love that smell”
Kita mo nga naman naka pogi points agad ang bestfriend ko. Sana ako din.
“Oh by the way, here are my new team mates. Dino, his twin brother Donnie, and Paul.”
“Guys, si Abby, si Steph, that’s Mel the libero, Kaye, Jacq, and another Aby with single b.”
Nilakasan ko ang loob ko at inabot agad ang aking kamay kay Steph.
“Hi Steph, nice meeting you.”
“Nice meeting you too Dino tama?”
“Yeah. Uhm. Grabe ang lakas mo, no wonder ikaw ang team captain.”
“Hoy grabe ka naman hindi ah, sweet nga lang ako maglaro noh.”
Palabiro pa si Steph, ang gaan gaan niyang kausap. Hay Steph.
Unti unting bumagal ang sandali, naiwan akong naka tulala at naka titig sa slow motion niyang pag tawa at pag sasalita, titig na titig ako sa mukha niya na tila isang bata na first time makapanuod ng fireworks display.
Parang pelikulang may mabagal na scene at may magandang background music. Napapa kanta ako ng April boy hit na “Sabi ng puso ko, akoy inlove sayo, sana ay mahalin mo rin ako..”
Ang problema kapang nag slow motion ang utak ko, nagmamadali naman humabol sa kasalukuyan ang oras at di ko namalayan, nag punta na pala sa locker room ang mga players.
Naramdaman ko na lang ang tapik sa noo ko ng palad ni Julius.
“Hoy bes! Ano nah? Starstrcuk ka?”
“Lovestruck bes! Lovestruck!! Waaaahhhh!!”
“Abah love at first sight nga naman..”
Napa kanta na naman ako ng malakas..
“Sabi ng puso ko, akoy inlove sayo, sana ay mahalin mo rin ako..”
“Tangna ka bes April Boy?? Inay ko hayup ang corny mo!!”
Pang aasar sa akin ni Julius.
Donnie
Natapos na ang game at nanalo ang team Lasalle. Ang galing kasi talaga ni Steph.
Lumapit na kami at humalik si Abby kay Julius. Kami naman ni Paul ay naka ngiti lang sa tabi ni Julius. Sa kabilang side niya andoon ang kambal kong si Dino.
“Hi Abby” Bumeso naman si Abby kay Julius.
“Hi Julius, mwah.. Ang bango mo ah. Acqua di Gio right?”
“Yup, favorite ko.”
“I love that smell”
Abah.. Astig tong si Julius ah. Naka kiss agad.
“Oh by the way, here are my new team mates. Dino, his twin brother Donnie, and Paul.”
“Guys, si Abby, si Steph, that’s Mel the libero, Kaye, Jacq, and another Aby with single b.”
Iaabot ko sana ang kamay ko kay Steph.. Steph pala ang pangalan niya. Pero hahakbang pa lang ako ay hawak hawak na pala ng kambal ko ang kamay niya.
Naka ngiti si Dino at tila ba tulala sa kagandahan ni Steph. Doon pa lang naunawaan ko na agad. Type din ng kambal ko ang babaeng type ko.
Napawi ng bahagya ang ngiti sa aking mukha. Mas nakaka tanda sa akin si Dino, dapat mag give way ako. Mukhang gusto niya talaga si Steph eh, kakalimutan ko na lang siguro. Baka nabigla lang din kasi ako sa ganda niya at akala ko ay gusto ko siya.
“Hi Donnie, nice meeting you..”
“Hoy nakikipag kamay sayo oh.” Sigaw ni Paul sa akin.
“Ah hi, ikaw si Mel diba?”
“Yeah, ako nga. Ang gugwapo ninyong magkaka team ah. Lalo na ikaw Donnie at ang kambal mo. Wala kayong pinag kaiba eh, papano ko kayo makikilala?”
“Ah eh, left handed ako, at si Dino naman right handed.”
“Ah ganon pala, so tig isa pa kayo ng kotse niyan? Isang right hand drive at isang left hand drive?”
“Ha? Eh..” Wala naman kaming kotse parang diyahe naman sa mga ito, mga high maintenance girls. Pero ayos lang, di ko kailangan magsinungaling na may kotse para lang magpa impress.
“Naku wala kaming kotse, ayaw ng lola namin kasi naaksidente na dati.”
Sagot ko kay Mel habang nakatingin pa rin ako sa eksena ng kambal ko at ni Steph na parang nag lalandian. Nag iinit ang pakiramdam ko. Kumurap kurap ako para mahimasmasan.
“Ano ka ba jinojoke lang kita eh. Smile ka naman diyan ang cute cute mo ayaw mo mag smile. Bakit? Ayaw mo ba sakin? Pangit ba ko sa paningin mo Donnie?”
Napa tingin ako kay Mel, actually, she’s not so bad at all. Mas maliit lang siya sa akin pero maganda ang mukha niya, para siyang si Mariel Rodriguez na petite version.
Maganda din ang kanyang ngiti. At ang galing niyang mag pagulong gulong sa court parang ninja. Libero nga pala siya. Pansin ko din ang kanyang bubbly personality.
“Ha? Eh, hindi ah, you are so nice and pretty. “ Pambobola ko sa kanya.
Si Paul naman ay pumoporsiyento na kay Jacq at Aby. Mukhang sa lakad naming ito, si Paul ang nagwagi dahil dalawang charming lady spikers ang kausap niya.
“Thank you, yan din ang sabi ng nanay ko. Friends siguro kayo ng nanay ko. Hehe”
Pag bibiro ni Mel, at agad kaming nag tawanan.
“Oh sige guys mag papa fresh na muna kami ha, we’ll see you around ha. Antay niyo kami.”
At lumakad na sila papalayo.
Ako naman ay nakatitig pa rin kay Steph. At kinakausap ko siya sa aking isipan.
“Steph, lumingon ka lang at ngumiti sa akin, pag lumingon ka ibig sabihin type mo din ako. Lumingon ka please, lingon, dito, sa akin, tumingin ka sa akin.”
Nakarating na sila sa may pinto ng locker room. Tumalikod na si Julius at Paul, natira ako at ang kambal ko na nakatingin sa papalayong mga imahe ng mga babaeng manlalaro.
Hanggang sa si Steph na lang ang natira sa paningin ko, nang biglang lumingon siya at ngumiti.
Lumakas ang kabog sa dibdib ko at parang nang hina ako.
“Shit, shit shit shit shit!!!”
Napa mura ako ipit na ipit na parang batang kinikilig kilig. Pero si Dino, tulala pa rin na naka ngiti. Na tila hindi alam ang mga nangyayari. Lumapit si Julius at tinapik siya sa noo.
“Hoy bes! Ano nah? Starstrcuk ka?”
“Lovestruck bes! Lovestruck!! Waaaahhhh!!”
“Abah love at first sight nga naman..”
Napa kanta ang kapatid ko.
“Sabi ng puso ko, akoy inlove sayo, sana ay mahalin mo rin ako..”
“Tangna ka bes April Boy?? Inay ko hayup ang corny mo!!”
Ang corny nga talaga ng kapatid ko. Napa kanta din naman ako eh.
“Beautiful girls all over the world, I could be chasing but my time would be wasted they got nothing on you baby…”
Sa tingin ko type talaga ako ni Steph. Pero ayoko naman agawan ang kapatid ko. Kakausapin ko na lang ang kambal ko sa mga susunod na araw marahil. Pero ang pag lingon ni Steph sa akin, sapat na sa ngayon.
Nainspire ako na makapag laro sa team. Sinipagan ko ang pag aaral kagaya ng payo ng aking kapatid. Sa totoo lang, mas responsible naman talaga ang kambal ko, bukod pa sa mas matalino siya.
Kahit ganoon, alam kong hindi kami nagkaka layo ng ugali, pati nga sa taste sa babae pareho kami diba?
Itutuloy..

nice den… iniimagine ko ung mga characters habang binabasa ko kung pano yung sa story hehehe
hehe thanks Japo. nagets mo yung 2 sides ng story hehe
waaaaaaaaaah…ang asteeeg mo talaga kuya den…ahahaha
sibling rivalry na ito….HAHAHAHAHAHA
nak ng put…hahaha…ang corny ng background music ni dino….
na backread ko na din last two chapters…hehehe…ayus na ayus
xenxa ngayon lang comment…busy sa review eh…2 days vaca kami ngayon…hehe
—————————
hay, noh kaya feeling ng may kakambal…dream ko yun eh, haha…eh alam ko aman di mangyayari, kaya dream ko na lang magkaron anak na kambal…hahaha
unti unti nang nakikilala ang kanya kanyang karakter. team Dino ka ba o team Donnie? hehe
alright, may DRAMA ang FACTOR, galeng ng imagination. GO GO GO BALIBOLISTAS
may pagka DINO ako eh…kaya team DINO ako…
DINO
DINO
DINO
ang hirap po ng may kakambal (meron kasi ako =) ) masaya siya lalo na pag parehas kayo ng sport..kasi andun ung bonding..pero pg pinagkumapra na kayo..mahirap kasi may kaniya kniya naman kayong abilities..tapos d nila un napapansin..=)
hindi ko alam ang pakiramdam kasi wala naman ako kakambal. kathang isip ko lang ang kwentong ito. hehe kasi pangarap ko magkaron ng kakambal
wala si ate cha sa characters?
siya si Abby dito. Loveteam ni Julius. haha..
[...] The Great Wall of España (a story) Chapter 8 September 2010 10 comments 5 [...]