The Great Wall of España (a story) Chapter 9

Posted: September 13, 2010 in Uncategorized

Sweet Dream / Odd Nightmare

Dino

 Ano ba nahihirapan ako kontrolin ang lintek na sasakyan na toh. Mapapahiya pa ko dito sa prinsesang katabi ko.

Naka sakay pala kami sa isang lumilipad na carpet. At ano tong suot ko? Chaleko, at bitin na pantalon. At may mukhang tanga akong hat.

Katabi ko pala ang prinsesa Steph ko. Na ubod ng ganda. Hay..

Tinugtog na ang aming themesong habang lumilipad kami sa ibabaw ng mga ulap.

“I can show you the world. Shining shimmering splendid, tell me princess now when did you last let your heart decide..”

 

At bumulusok kami sa himpapawid hanggang sa matapos ang kanta. Bumalik kami sa palasyo at binigyan ako ni Steph ng malambing na halik sa pisngi.

May tumapik sa likod ko, lumingon ako at nakita ko ang aking genie.

“Wala pa akong wish Genie dumidiskarte pa ko kay pinsesa Steph ko oh.”

“Ah ok sige, galingan mo diyan master ha. Himasin mo lang ang lampara kung kailangan mo ako.”

Sumakay akong muli sa magic carpet at nagpaalam sa aking prinsesa. Lumipad ang carpet papalabas ng bintana ng palasyo at napa bitaw ako sa aking pagkaka kapit, nahulog ako at..

BOGGG…

Nahulog ako sa aking kama.

“Hay.. kay gandang panaginip hay Steph, kung alam mo lang napapanaginipan kita ng paulit ulit, di ka mawaglit sa isip ko..”

“Waaahhhh!!”

Gulat ko naman sa hiyaw ng kambal kong si Donnie. Nagising siya na hinihingal hingal.

“Oh kambal ayos ka lang?”

“Haaahhh haaaahhh.. Ayos lang ako kambal. Nanaginip lang.”

“Talaga? Anong nangyari sa panaginip mo?”

“Wala ayoko ikwento.”

“Ok tara na kain na tayo at mag ready, first day nga pala ng training natin sa varsity ngayon.”

“Oo nga pala.”

“Hinanda ko na kagabi yung mga damit mo para mabilis tayo maka pasok ngayon.”

Nag almusal kami kasabay ang aming mahal na lola, si daddy tulala pa rin palagi, paminsan minsan nag sasalita mag isa. Gabi gabi ipinag darasal ko si daddy na sana gumaling na siya.

Pumasok kami sa eskwela, magkaiba kami ng kursong kinuha ni Donnie, nais niyang maging guro at makapag coach ng volleyball team kaya Education ang kurso niya.

Pangarap ko naman na mag may ari ng kumpanya kayat Business Management ang kinuha ko.

Sa klase ko, kumpleto ang mga karakter, may mga nerd, may mga manang, may mga sosyal. Hindi ako belong sa kahit anong grupo doon. Pero nangunguna ako madalas sa mga exam.

Nag iingat naman ako sa isang grupo ng mga siga at mga hindi magandang impluwensiya. Mabuti at hindi pa naman nila ako ginugulo.

Natapos ang klase at nagkita kami nina Julius. Sinundo namin si Donnie at pumunta na kami sa gym para sa unang araw ng training.

Nagbihis kami ng aking kambal, binati ko din ang bestfriend kong si Julius, si Paul, si Chrisitan at ang iba pang miyembro ng team B.

“Alam kong sa tingin ninyo ay magagaling na kayo. Pero kahit na, kailangan niyo mag umpisa sa basics ng volleyball. May stretching kayo katulad ng kahit anong sports maliban nalang siguro sa chess. Pagkatapos underhand receive.”

“Ang volleyball ay kailangan mag umpisa sa magandang underhand receive, hindi ito puro atake, kung walang magandang reception, walang volleyball.”

“Ok stretching na!!”

Inumpisahan na ang aming stretching, mula ulo hanggang paa. Pawis na pawis kaming lahat sa bigat ng stretching.

Naunawaan ko naman, flexibility training iyon eh.

Ano pa kayang hirap ang pag dadaanan naming, kung nasa agility o strength training na kami?

Sobrang hirap, pero kakayanin ko ito lahat, para mag kita pa rin kami ni Steph sa games. Pag hihirapan ko para ma elevate ako sa team A. At maka pag laro sa liga.

Donnie

Bakit ganito, ang tahimik ng bahay. Wala ang kambal ko sa kama niya. Bumangon ako at nag masid masid.

Sobrang tahimik, tanging ugong ng hangin ang naririnig ko.

Lumabas ako ng bahay at nagkalat ang mga tuyong dahon, mga lumilipad na diyaryo. Mga sasakyan na tila hindi na nagamit ng matagal na panahon.

Medyo makulimlim. Humakbang ako palabas para Makita ko ng mas malinaw ang kapaligiran.

Grabe na toh, parang nag iisa na lang akong may buhay sa mundong nakikita ko.

Ghost town na ang buong kapaligiran!!

“Dino?? Dino!! Kambal!! Lola!!”

Tila walang lumbas na tinig sa akin dahil walang sumasagot sa aking mga tawag.

Lumingon ako sa kanan at nakita kong may mga tumatakbo papalapit sa akin.

Unti unti kong naaninag ang kanilang itsura at. Nakita ko na may dugo sa kanilang mga bibig. Sa kanilang mga suot at maiitim ang paligid ng kanilang mga mata.

Kinabahan ako dahil ramdam kong ako ang kanilang gustong puntahan at lapain. Agad akong tumakbo papasok ng bahay at isinara ko ang pinto.

Umakyat ako sa kwarto at nag kulong sa aparador.

Mukhang wala namang naka sunod sa akin sa kwarto, maya maya pa ay lumabas ako.

Humarap ako sa salamin. Napansin ko na may naka bukol sa aking noo, sa may itaas ng aking kilay.

Mapula ang bukol na medyo pahaba at gumagalaw. Lumapit ako sa salamin at pinisil ko ang bukol.

Tila may kung anong buhay ang nasa loob. Tiniris ko iyon ng madiin. Lumuwa ang laman nito at sinalo ko sa aking kamay.

Naka balot sa sapot na puti.

Inalis ko ang sapot at nakita ko ang laman, isang higad, gumagalaw galaw at gumagapang gapang.

Muli akong napa tingin sa salamin at napaka dami na palang bukol sa aking mukha.

“Waaaaaaaaahhh!!””

At nagising ako na humihingal hingal. Nakita ko ang aking kambal na nasa sahig, na parang naka ngiti pa at nangangarap.

“Oh kambal ayos ka lang?”

“Haaahhh haaaahhh.. Ayos lang ako kambal. Nanaginip lang.”

“Talaga? Anong nangyari sa panaginip mo?”

“Wala ayoko ikwento.”

Ayoko ikwento sa kapatid ko dahil nakaka takot ang panaginip ko.

“Ok tara na kain na tayo at mag ready, first day nga pala ng training natin sa varsity ngayon.”

“Oo nga pala.”

“Hinanda ko na kagabi yung mga damit mo para mabilis tayo maka pasok ngayon.”

Balisa ako sa almusal, hindi ko nagawang mag lambing kay lola. Si daddy ganoon pa rin, bibihira mag salita. Ipinag darasal ko palagi na gumaling na din si daddy.

Nakapasok kami ng maaga. Pero sa maghapon na klase ay tila wala akong natutunan dahil balisang balisa ako.

Sinundo ako ng kambal ko, kasama niya si Julius, Paul, si Christian, Melvin, anim kaming sabay sabay pumunta sa gym para sa training.

Nahalata ko na hirap na hirap sa stretching ang kambal ko.

Mula sa ulo pababa hanggang sa binti at paa. Parang rubberband na hinihila ang mga muscles namin para maging flexible kami sa paglalaro. Nararamdaman ko, kung mag sisipag kami

Habang sa akin naman ay halos hindi ako pag pawisan sa ginawa namin. Pero balisa pa rin ako at tila walang gana.

Bahala na si batman sa akin pag nagkataon.

Itutuloy…

Comments
  1. [...] The Great Wall of España (a story) Chapter 9 September 2010 4 [...]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s