Chapter 11: Sandbags
Dino
Matapos ang aming mga klase ay nag aantay na uli ang mga kaibigan ko sa labas ng classroom ko. Sabay sabay kaming muli pumunta sa gym para mag training.
“Isuot ninyo ang sand bags na iyan sa mga binti ninyo. Tapos ay mag jogging kayo paikot sa gym. Bigyan ninyo ako ng dalawampung ikot. Huwag ninyong huhubarin ang sandbags na iyan hanggat di niyo tapos takbuhin ang gym ng 20 ulit ha.”
6 lbs ang timbang ng bawat isang sand bag na ibinigay sa amin ni coach. Parang bibigay ang baga ko sa kaka takbo, aabutin yata ako ng dalawang oras mahigit bago ko matapos ang dalawampung ikot na ipinapagawa niya.
Pero wala ito kakayanin ko, para ma elevate ako sa team A. go go go lang.. Habang nag jojogging kami ay nag kukuwentuhan naman kami ni Julius. Tungkol sa mga plano naming diskarte para magpa cute sa aming mga girls.
“Kung regaluhan kaya natin sila ng puppies?”
“Bes naman masyado naman yata mahal yun, huwag muna ganon sa ngayon.” Sagot ni Julius sa suggestion ko.
“Eh ano nga?”
“Ako balak ko mag handa ng picnic date para kay Abby. Nag isip na din ako ng mga metaphors.”
“Ha? Papanong metaphors.”
“Wala lang, ikukumpara mo lang siya sa kung ano ano, mga pacute lang.”
“Ah parang ganito.. Steph para kang balon, malapit na ako mahulog sa iyo eh.”
“Haha, tama yan ang mga banat bes hehe”
“Oo nga noh nice yun. Baka ma cornihan nga lang si Steph dun.”
“Ah grabe ang sakit na ng paa ko bes!!”
Pagkatapos ng dalawampung ikot sa gym. Lateral movement naman kami. Sa harap kami ng net, tatakbo dalawang hakbang patagilid at tatalon na parang mag bblock.
Halos dumugo ang ilong ko sa hirap ng training namin sa pagpapa taas ng talon. Di na ko maka antay matapos ang training na iyon.
Nag iisip pa rin ako kung ano ang gagawin kong pagpapa cute kay Steph. Natapos din ang training, nag punta na kami sa shower room, naligo at nag bihis par amaka uwi na. At bigla ko naisip kung anong pwede ko gawin para magpa cute kay Steph.
“Kambal, shot daw tayo sa dorm. Secret lang daw, birthday pala ni kuya Henry.”
Pag aanyaya ng kapatid ko.
“Ah, ganon ba? Sige sige.”
“Naka tawag na din ako kay lola nag paalam na ako”
Donnie
Nandito na kami ulit sa training.
“Isuot ninyo ang sand bags na iyan sa mga binti ninyo. Tapos ay mag jogging kayo paikot sa gym. Bigyan ninyo ako ng dalawampung ikot. Huwag ninyong huhubarin ang sandbags na iyan hanggat di niyo tapos takbuhin ang gym ng 20 ulit ha.”
Kausap ko naman si Paul habang nag jojogging kami.
“Bes may gusto ka talaga kay Steph?”
“Sa tingin ko bes oo. Bakit”
“Eh kasi iba ka maka tingin noong nanuod tayo ng laro nila”
“Bakit hindi mo pa diskartehan?”
“Kasi dinidiskartehan na siya ng kapatid ko eh”
“May naisip akong magandang idea bes.”
“Ano yun?”
“Sasabihin ko sa iyo kapag nasa tamang panahon na. Maganda ang plano ko bes”
Matapos ang 20 laps na ginawa namin ay nag training kami ng blocking, kinailangan maitama ang lateral movements ng paa namin.
Hindi katulad ng sa tennis na tumatakbo ang player, ang footworks ng blocker sa volleyball ay patagilid at halos sabay. Para bang movements ng paa ng mga boxingero.
Sabay, para makaiwas na matalisod at madapa sa court. Natapos namin ang training at nag shower na kami at nag si pag bihis na.
“Sama kayong magkapatid sa dorm, birthday ni Henry, ang number 1 attacker ng team natin. Inum tayo ng kaunti at may pa spaghetti siya.”
“Ah sige pero teka lang tatawag muna ako kay lola para din a siya maabala sa pag hihintay sa amin ni Dino.”
Matapos kong tumawag at niyaya ko na ang kapatid ko.
“Kambal, shot daw tayo sa dorm. Secret lang daw, birthday pala ni kuya Henry.”
Agad naman siyang pumayag.
Itutuloy…

ayun, na backread ko na chapter 9 and 10, pati itong 11
eto na naman tayo sa mga panaginip…naalala ko yung dancelife
hahaha…go lang pareng dino…yakang yaka yan
pero takte, naawa naman ako kay donnie…
hmmmm, teka, anu naman plano nitong si PAUL…
may naalala ako dun sa mga eksenang nae space out si DINO, nyahay
hahaha, nice 3 chapters kuya den
mysterious pero nakakakilig na nakakaintriga din…galeng galeng
haha. kapit ka sa mga mas kilig at nakaka lusaw na tagpo. nasa chapter 12-13 pa eh. to give time for others to back read.
i’m willing to wait kuya den…hehe…abangan ko yan… ^^,
nakakabitin kuya den!btw..kilala niyo po si chinee espineli?
yup student ko siya noong teacher pa ako
[...] The Great Wall of España (a story) Chapter 11 September 2010 5 comments Possibly related posts: (automatically generated)Made the Biblioblog Top 50 Blog (though I’m not in the top 50
I’m #58!!! LikeBe the first to like this post. [...]