Chapter 12: Happy Birthday Kuya Henry
Dino
Palihim kaming nag tungo sa dorm kasama ang mga ka team namin.
Doon sa dorm, ay may naka handa na palang spaghetti. Natuwa naman ako dahil popular talaga ang spaghetti sa mga birthday na kagaya nito.
May bitbit na camera si Julius dahil celebration ito. May dala namang gitara si Christian, si Melvin ay may dalang chimes at brush stick.
Inilabas naman ni kuya Henry ang kanyang HD Video camera. Masarap ang pagkain.
Matapos naming mag hapunan ay inumpisahan na ang inuman. Mabuti na lang at walang pasok kinabukasan, wala ding training.
Nag umpisa nang tumugtog si Christian at Melvin. At nag kantahan kami. Dito ko nabuo ang plano ko para kay Steph.
Napag usapan namin ni Julius ang kabuoan ng aking plano.
“May gusto akong kanta, naaalala ko noong bata pa ako parang ‘I’ve been waiting for you, all my life for somebody who..”
“Ganito ba yun??”
Tinipa ni Christian ang gitara at tinugtog ang kantang tinutukoy ko. Inumpisahan niyang tugtugin at kantahin, hinawakan naman ni Julius ang isa pang gitara para sabayan ng strumming ang pag kalabit ni Christian sa gitara.
Si Melvin naman ay hinagod ng kanyang brush stick ang chimes. At narinig ko ang makalansing nitong tunog na parang maliliit na kampana ng mga anghel sa langit. Inumpisahan kong awitin ang kantang iyon.
Youtube Video performance by Idols Frappe Band
Donnie
Sa birthday party ni kuya Henry kumain kami ng masarap na spaghetti. Pagkatapos ay nag umpisa nang uminom ng beer.
Dahan dahan lang kami ng kambal ko sa pag inom dahil hindi kami talaga sanay. Ang kambal ko mukhang may hidden agenda at kausap si Julius.
Kinausap ko naman si Paul tungkol sa sinasabi niyang plano. Ibinulong niya iyon sa akin.
“Ganon? Parang nakaka takot naman yata iyan. Baka magkaron kami ng gap ng kapatid ko.”
“Hindi na naman niya kailangan malaman diba”
“Kung sa bagay, ikaw talaga Paul kung ano ano naiisip mo napaka creative mo”
“Siyempre bestfriend mo nga ako diba? Teka ikwento mo pala yung nangyayari sa panaginip mo.”
At agad kong ikinuwento sa kanya ang nakaka rimarim kong mga panaginip.
“Eh nag dadasal ka ba bago matulog bes?”
“Oo naman”
“Tama yan Donnie boy, mag dadasal ka bago matulog, ugaliin mo din mag basa ng bible. May bible study nga pala tayong mga players kapag Sunday ng hapon. Kailangan nandoon kayong magkapatid ha”
“Opo kuya Henry”
Si kuya Henry, kung mapapanuod mo siya sa TV, at hindi mo siya kakilala, lalo pa at kampi ka sa school na kalaban nila.
Siguradong maiinis ka sa kanya at iisipin mong mayabang siya. Dahil malakas ang dating niya sa court.
Maligalig magaslaw at pala ngiti, na tila ba nang aasar.
Pero ngayon ko napag tanto na mali ng husga ang mga tao sa kanya, dahil hindi nga siya umiinom ng alak. Birthday niya ito, madaming alak pero siya ay hindi umiinom.
Siya din ang pinaka active sa mga bible studies ng team. Tumugtog na si Christian at Julius. Kumanta naman ang kakambal ko. Maganda ang boses ng kapatid ko. Ako naman ay walang ganoong talento sa pag kanta.
Itutuloy..
Chapter 13: Ang Dakilang Mangongopya
Dino
Naiupload ko na sa youtube at sa facebook account ko ang video ng aming munting jamming. Ang kanta ko para kay Steph. Itinag ko na din siya sa video na iyon para siguradong makita at marinig niya.
Pumasok na kami ng kambal ko sa school.
Nalulungkot ako dahil hindi ako masyadong nirereplyan sa text ni Steph. Ayoko naman siya kulitin ng kulitin dahil baka mainis lang siya sa akin.
May exam ako sa araw na ito. Di naman ako nag aalala sa mga exams. Iniisip ko lang si Steph. Di ako makapag focus.
Naka tanggap ako ng text.
“Hoy ang cute ng video ninyo. Ang kukulit niyo nakaka tuwa kayo talaga, Visit kami sa inyo after ng training niyo ha.”
Napa ngiti ako sa text niyang iyon.
“Sige bah. Can’t wait!!”
At masaya kong inumpisahan ang test na iyon. Di ko naalintana ang mga kalabit ng katabi ko na tila gustong mangopya. Gusto ko silang pakopyahin pero nang matapos ko sagutan ang exam ay nagmadali akong ipasa ang papel ko at tumakbo palabas ng classroom para balitaan si Julius at ang tropa.
“Bes bibisitahin daw tayo dito ng girls after ng training natin today. Ang saya diba?”
“Sino nagsabi bes?”
“Si Steph pare, nag text siya kanina”
Tuwang tuwa kaming mga boys. Ang kapatid ko naman napa ngiti, at nag paalam na pupunta sa CR.
Inumpisahan namin ang training. Ganadong ganado kaming lahat sa training hindi kami makapag hintay na matapos ang training na ito dahil makikita na naman namin ang mga babae ng buhay namin.
Matapos ang training, nag shower na kami, nag hilod akong mabuti, natagalan ako ng bahagya sa aking paliligo, siyempre gusto ko malinis na malinis at mabango ako sa pag harap ko kay Steph diba.
Ako na lang ang naiwan sa shower room, nag bibihis na ang lahat.
Pag labas ko ay nag pahid ako ng deodorant, nag pabango at nag suklay, na hindi ko naman madalas ginagawa.
Dinampot ko ang polo ko, inilagay sa bag ko at nag sapatos. Pagkatapos ay lumabas ako ng shower room.
Masayang masaya ako lumabas.
Hindi ko inaasahang mababago bigla ang mood ko sa makikita ko..
Nanlaki ang mga mata ko..
Agad akong lumabas sa kabilang pinto ng gym at pumunta sa dorm ng mga varsity.
“Julius, inom tayo. Malaking problema pare..”
Donnie
“Bes bibisitahin daw tayo dito ng girls after ng training natin today. Ang saya diba?”
“Sino nagsabi bes?”
“Si Steph pare, nag text siya kanina”
Masayang masaya ang kambal ko sa ibinalita niya. Nagtext sa kanya si Steph.
“CR muna ko guys ha.”
Pumasok ako sa cubicle. Umupo at nag senti ng bahagya. Grabe sana ibang lalake na lang ang nanligaw kay Steph. Para pwede ko pa kompitensiyahin. Kapatid ko si Dino, hindi ko siya pwedeng kalabanin.
May pumasok na dalawang lalaki na nag dadabog dabog.
“Putang inang Dino Corpuz yan oh. Aabangan ko yan pagkatapos ng training hahamunin ko talaga ng suntukan yan!!”
“Bakit pare? Ano bang ginawa niya sayo?”
“Hindi niya ako pinakopya sa exam kanina, bagsak ako. Kinakalabit ko siya tapos bigla siyang nagmadali palabas ng classroom, ipinasa agad ang papel niya. Napaka damot makaka tikim talaga sa akin yan!!”
Dinig na dinig ko ang usapan ng dalawang lalaki.
Hindi ako papayag na may manakit sa kapatid ko. Gagawa ako ng paraan.
Naalala ko ang ipinayo sa akin ni Paul na plano. Ayoko sana iyon gawin pero mukhang ito na ang tamang pagkakataon para gawin ko iyon.
Hindi ako papayag na may umupak sa walang kalaban laban kong kapatid.
Madali naming natapos ang training sa araw na iyon.
Nag shower kami at si Dino mukhang natagalan sa paliligo niya.
Dinampot ko ang polo niya na may nakasulat na pangalan niya sa may bulsa sa dibdib.
Ipinalit ko ang aking polo.
Nag bihis ako ng mabilis at lumabas ako ng gym.
“Hoy Dino! Hayup ka bagsak ako sa exam dahil napaka damot mo!! Ano ipinag mamalaki mo? Yang varsity team mo? Halika suntukan tayo!!”
Tagumpay. Akala ng lalaking mayabang na ito ay ako nga si Dino.
Pagkakataon ko na para maipag tanggol ang kapatid ko.
Mas malaki ako ng bahagya sa mayabang na lalaking ito, kaya hindi ako takot sa kanya.
“Ano bang pakialam mo? Dapat nag aral ka, hindi yung aasa ka sa iba. Sige lapit nang makatikim ka.”
Pero masyado ko palang minaliit ang lalake. Maliit lang siya sa height pero mabilis din siya umilag, naka tama ako ng sapak sa kanya, pero mas napuruhan ako, dumugo ang kilay ko at ang labi ko.
Nag si datingan ang mga kateam ko, at agad naman tumakbo ang lalakeng mangongopya.
“Ok ka lang bes?”
Tanong ni Paul
“Ayos lang ako, dalawang beses lang ako tinamaan wag ka mag alala.”
Lumakad na kami pabalik sa gym, mag hihilamos ako sa shower room.
Nang makita ko si Steph na naka tingin sa akin. Tila alalang alala at awang awa.
“Oh My God!! what happened?”
Pina upo ako ni Steph sa tabi niya, pinahid ng kanyang panyo ang dugo sa aking labi. Hindi ko napigilan ang sarili ko. At nakapag salita ako..
“I love you Steph.. I’m sorry”
Napa luha siya at napa pikit. Inilapit ko ang mukha ko at hinalikan ko siya sa labi.
“Dino, I like you, pero I can’t say I love you too. It’s just too soon.”
Napa iktad ako sa sinabi niya..
Tumingin ako sa suot kong polo.
“Shit, suot ko nga pala ang polo ng kambal ko. Akala ni Steph ako si Dino, kaya siya pumayag na magpa halik.”
“Steph I’m so sorry..”
Agad akong tumakbo papalayo. Pumara ng taxi para maka uwi.
Dumiretso ako sa kwarto at ginamot ang mga sugat ko sa banyo.
Hindi umuwi ang kambal ko.
Nag umpisa na akong mag alala. Pero may tiwala naman ako sa kanya. Kaya nauna na akong natulog.
Pag gising ko sa umaga ay wala pa rin ang kambal ko.
Itutuloy..


awts..!kala ni steph si dino si donnie!at si dino nasaktan sa nakita!OMG!..d ko alma kung saang partido ako kakampi?
hehe wala namang kontra bida kundi yung dakilang mangongopya eh. misunderstanding ito. umpisa ng conflicts. hehe. thanks for reading abeng
waaaaaaaaaaaaah….
nakow, patay don…
tsk tsk…
bigla tuloy pumasok sa utak ko yung eksena ni enchong at coco sa sayo lamang…hayzt
wawa naman si pareng dino…
away toh pag uwi…
hindi ko alam yung eksenang yun. di ako nakaka nuod ng tv eh huhu
hehe, sa movie yun kuya den…putek maga mata ko sa movie na yun
Ah ehehe, Gusto ko na ilagay ang mga next chapters. kaso masyado mabilis haha
[...] The busiest day of the year was September 22nd with 134 views. The most popular post that day was The Great Wall of España Chapters 12-13. [...]