PEP Rally
Dino
Dino: Steph punta ka dito sa school sa Friday ng 5pm. Pep rally namin.
Steph: Oh? Sige bah isama ko si Mel at Abby ha.
Dino: That would be great! See you then.
Matapos ang team task na ipinagawa sa amin nang nakaraang linggo ay naelevate kami sa team A. Ibig sabihin maaari kaming makapag laro sa UAAP sa parating na season.
“Congratulations Christian, Paul, Melvin, Donnie, Dino. Elevated na kayo sa team A”
Anunsiyo ni coach. Nag lundagan kaming lahat sa tuwa dahil sa wakas sa halos isang buong semester naming pag hihirap sa training magkaka jersey na din kami at makakapag laro sa liga.
Binigyan na din kami ng shoes pang laro namin at full refund ng tuition fee ang makukuha namin sa susunod na semester.
“Siguruhin niyo lang na wala kayong magiging baqgsak na grades dahil iyon ang makakapag alis sa inyo ng eligibility na makapag laro sa UAAP. Maaasahan ko ba kayo boys?”
“Yes coach..”
Sabay sabay naming sagot kay coach.
At dumating na ang biyernes na pinaka aantay antay namin. Dahil sa pep rally opisyal na kaming ipapakilala sa buong unibersidad bilang mga manlalaro.
Para sa amin, ang pagiging manlalaro ay kahalintulad ng pagiging bayani, mandirigma, tagapag tanggol, simbulo ng pag asa, tinitingala, hinagangaan, kina iinggitan.
Tinawag na ang mga pangalan namin at pumunta kami sa gitna ng covered court habang ang mga mag aaral ng unibersidad ay nagpapalakpakan at nag hihiyawan. Sa pinaka harap nandoon ang mga kaibigan naming manlalaro naman ng ibang eskwelahan. Si Steph, Abby at Mel.
Kumaway si Steph sa akin at napa ngiti naman ako ng bahagya. Natapos ang pep rally, bilang pang tapos ay nag sayaw naman ang dance troupe ng uniberstidad na siya ding lalaban naman para sa cheerdance competition.
Habang nanunuod naman ako katabi ang kateammates ko at si Steph sa kaliwa ko, hindi ko na napigilan at pinagapang ko na ang kamay ko at sumagi iyon sa kamay ni Steph. Tumingin ako sa kanya at napatingin din siya sa akin.
Agad na naman akong nalusaw sa matingkad niyang ngiti at maamo niyang mukha. Laking gulat ko ng bigla niyang hablutin ang kamay ko.
“Ang cute cute mo talaga Dino!”
“Ikaw ang cute noh haha.. “
Natapos na ang programa at nag alisan na ang mga mag aaral. Naiwan kami ni Steph, Mel, Abby, Dino, Melvin, Christian.
“Steph Dino san ba ang pinaka malapit na cr dito?”
Tanong naman ni Mel.
“Ah ayun sa likod ng stage punta ka andun ang cr.”
Bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa cr.
Tila may nalaglag mula sa bag niya pero hindi ko na iyon napansin masyado dahil busy ako sa kakatitig kay Steph.
Dinampot naman iyon ng kambal ko. Biglang kumulog ng malakas at kumulimlim, bumuhos ang malakas na ulan.
“Dino, kalian ka huling naka ligo sa ulan?” Tanong ni Steph.
“Ah eh hindi pa ako nakaka ligo sa ulan.”
“Ang baduy mo talaga, halika maligo tayo bilis!”
Agad naman akong hinila ni Steph palabas ng covered court papunta sa madamong field. Hila hila niya ang kamay ko at wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanya.
“Steph ano ba tong ginagawa natin? Magkaka sakit tayo nito eh.”
“Huwag kang KJ ang corny mo talaga ang sarap magpaka basa diba?”
Mabuti na lang at iniwanan namin sa bag ang mga cellphone namin, na siya namang binabantayan ng mga kaibigan namin sa covered court.
“Steph hindi mo ko naiintindihan, ayaw kong magkasakit ka dahil mahalaga ka sa akin.”
“Bakit hindi mo pa kasi ako diretsuhin?”
“Ha?”
“Ang bobo mo Dino! Mahal mo ba ako?”
“Steph?”
“Kasi ako mahal kita, oo mahal na kita Dino”
“What?? I, I don’t know what to say..”
“Ayaw mo ba?”
“No no no, gusto ko, in fact, gusto ko din sana sabihin sa iyo yun, pero wala akong lakas ng loob.”
“Wag mo na sabihin, alam ko naman na mahal mo ko. Just shut up and kiss me.”
“What? Dito?”
“Oo! Bakit pussy ka ba? Duwag ka? Kinakahiya mo na kasama mo ako?”
“Hindi.”
“Then go for it!”
Hinila ko ang dalawang kamay ni Steph at ipinatong sa aking balikat. Ibinalot ko naman sa kanyang beywang ang dalawang braso ko para mayakap ko siya.
Naka ngiti pa rin siya sa akin. Inilapit ko ang mukha ko sa kanyang mukha at pumikit ako. Nagpaubaya sa ligayang dulot ng sandaling iyon.
Kaharap ko ang taong gusto ko, taong mahal ko, at mahahalikan ko na siya.
Di nagtagal ay naglapat na ang mga labi namin. Sa wakas dumikit sa labi ko ang malambot at matamis na labi ni Steph.
Bahagya kong nakagat ang ibabang bahagi ng kanyang labi na nagtagal ng ilang Segundo. Marahil dahil sa pagka gigil ko sa kanya. Kumalas kami at nagka ngitian.
Tumingala at sumigaw si Steph.
“I love you Dino!!”
Napa sigaw na din ako.
“I love you Steph!”
At nag lulundag ako matapos ang halik na iyon. Biglang tumugtog ang magandang awitin na nagmula sa covered court. Tanaw ko ang mga kaibigan namin na nagpapalakpakan.
Isinayaw ko naman si Steph sa ilalim ng malakas na ulan.
Play the video below for a romantic musical score
Itutuloy..
