The Great Wall of España (a story) Chapter 24

Posted: December 1, 2010 in Uncategorized

Ang Notebook ni Mel

Donnie

“Steph Dino san ba ang pinaka malapit na cr dito?”

Tanong naman ni Mel.

“Ah ayun sa likod ng stage punta ka andun ang cr.”

Sagot ng kambal ko. At agad tumakbo si Mel papunta sa CR. Nakabukas pala ang bag niya, may nalaglag na notebook. Dinampot ko iyon at mbang hahabulin ko siya pero naka layo na siya.

Kinuha ko na lang ang notebook at bumalik ako sa pagkakaupo.

“Bes, buklatin natin yang notebook ni Mel dali!”

Payo ni Paul.

“Ayoko nga. Invasion of privacy yun!”

“Huwag ka nang umarte akin na ako bubuklat.”

Pinagkaisahan ni Melvin Christian at Paul ang notebook ni Mel. Wala na ako nagawa kundi hayaan sila.

“Whoah!! Donnie pare tang ina matutuwa ka sa nandito haha!”

Hiyaw ni Melvin.

“Bakit ano ba kasi yan?”

“Dino, kalian ka huling naka ligo sa ulan?” Tanong ni Steph.

“Ah eh hindi pa ako nakaka ligo sa ulan.”

“Ang baduy mo talaga, halika maligo tayo bilis!”

Biglang tumakbo palabas ng covered court si Dino at Steph. Nainggit ako at bahagyang nag selos. Naligo sila sa ulan. Tinugtog ang magandang kanta na nakakainlove sa mobile na naka tengga pa sa covered court. Habang kami na lang magkakaibigan ang naroroon.

Halos tumigil ang mundo ko nang makita ko silang nag kiss sa ilalim ng ulan at nag lulundag si Dino. Mukhang sinagot na siya ni Steph.

“Bes huwag ka nang malungkot. May ibang taong nakalaan para sa iyo. Nandiyan lang siya sa paligid mo. Dumilat ka lang.”

“Hoy Paul, bakla ka ba?”

Nagtawanan si Christian at Melvin.

“Ay tanga. Hindi ako, ang tinutukoy ko ay nandiyan lang sa paligid mo. Dimilat ka at alisin mo ang atensiyon mo kay Steph at sa kambal mo.”

Dumating bigla si Julius kasama si Mel.

“Hoy mga pare kumusta na anong balita?”

“Ayun si Dino sinagot na yata ni Steph.”

“Nice one Dino!! Hiyaw ni Juius”

At nagpalakpakan sila.

“Oh Donnie bakit parang di ka naman masaya para sa kambal mo?”

Tanong ni Mel.

“Ah masaya naman ako para sa kanya oh naka smile nga ako eh.”

“Donnie, mukhang may secret admirer ka.”

Ang sabi ni Julius habang nakatitig sa notebook na kanina pang pinag kakaguluhan ng mga kaibigan ko. Si Mel naman ay biglang napa inhale at tila namumula.

Ihinarap sa akin ni Julius ang notebook at nabasa ko ang nakasulat doon. Hindi niya naman alam kung kaninong notebook iyon.

Narealize ko na kung bakit pulang pula si Mel.

“Mel? Totoo ba?”

“Ah eh.. Classmate ko yata ang gumawa niyan..”

“Mel naman umamin ka na kasi may gusto ka kay Bespren Donnie.. Bagay naman kayo ah. hahaha”

“Bes wag ka muna magulo diyan.”

“Oh sige na nga.. Totoo, ako gumawa niyan. Iniisip kasi kita palagi. Kahit may klase hindi ako maka concentrate kasi ikaw ang laman ng isip ko. Bakit? Papalag ka ba?”

“Ah wala naman ako sinasabi.”

“Uyyyy.. Donnie sagutin mo na kasi si Mel! Yihee..”

“No.. Ako ang dapat manligaw sa kanya..”

“Wooooooohhh..”

“Mel. Will you be my girlfriend?”

Natahimik silang lahat. Si Mel naman halos hindi maka tingin sa akin.

Ang inosente niyang mukha, ang bubbly personality niya. Laging matapang, astig, cowboy, hindi maarte. Masayahin. Lahat iyon ay bigla kong napansin.

Ang laki kong tanga, nasa harap ko  na pala, madalas kong kasama. Pero di ko agad napansin na may nararamdaman din pala ako para sa kanya.

“OO.. pwede..”

“Yeeeeeesss!!!”

Nag tatalon sa tuwa ang mga kaibigan kong tukmol.

“Ngayong October 23 ang monthsarry ninyo. At ngayon din sina Steph at Dino. Double date kayo niyan monthly haha.”

Sabi ni Julius.

“Kasali kami sa Unigames Donnie.. Kayo din diba? Sa Dumaguete iyon.”

“Talaga? Mukhang magkikita kita tayo sa province ah..”

Itutuloy..

Comments
  1. chindolesracca says:

    waah, kuya denver, next chapter na!:)) kakabitin kuya eh. :)

  2. Jomari Ruiz says:

    Tagal ng next chapter.Hehe

  3. PauLine Montero says:

    Kuya Den…next chapter po… :D

  4. abeng15 says:

    ayun meron na ulit bagong two chapters!kakakilig pa rin kuya den!haha!=)..ung sunod naman!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s